228 - Ang Kal'walhatian sa Diyos Ibigay

Ang kal'walhatian sa Diyos ibigay
Siya'y gumagawa ng dakilang bagay;
Anak na isinugo na S'yang nag-alay
Ng buhay upang ang lahat ay mabuhay

REFRAIN

Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan;
Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan;
Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan,
At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.

Pangako ng Diyos sa naniniwala,
Ay katubusang sa dugo may bisa;
Ang magsisising pinakamasama,
Patatawarin ni Kristong dakila.

REFRAIN

Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan;
Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan;
Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan,
At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.

Pawang dakila ang turo Nya't gawa,
Kay Jesus dakila ang ating tuwa;
Nguni't kung si Jesus ay Makita nga,
Ligaya nati'y higit pang dakila.

REFRAIN

Purihin si Jesus, Tinig Nya'y pakinggan;
Purihin si Jesus, Tayo'y magkatuwaan;
Kay Jesus ang Ama'y ating lapitan,
At ang l'walhati sa Kanya'y ibigay.

0:00 0:00